Dear Felicity by Maureen Nica B. Lacuata

Excerpt:

June 7, 2017

Dear Felicity,

Hi, Feli! Ako nga pala si Sarah. Malamang hindi ako pamilyar sa `yo dahil hindi mo pa ako nami-meet nang personal. Pero ako, matagal na kitang nakikita at sinusubaybayan. Bata ka pa noong una kitang nakita. Umiiyak ka dahil sinaktan ka ng stepfather mo. Wala akong magawa para sa `yo noon dahil katulad mo lang din ako, batang musmos. Gustong-gusto kitang lapitan at yakapin noon kaya lang hindi ko alam kung paano kita aaluin.

Pasensiya na, ha, hindi ko pa kasi naiintindihan ang mga bagay noon. Pero ngayong malaki na tayo, ipinangako ko sa sarili ko na kapag nasa panganib ka, o malungkot ka, o may nananakit sa `yo, tutulungan kita.

Kahapon, nakita ko ulit ang stepfather mo na sinasaktan ka. Umamin ka, hindi lang pananakit ang ginagawa niya ano? Minomolestiya ka rin niya, `di ba? Alam kong tama ako at alam kong sumosobra na siya. Kaya nga umaksiyon na agad ako. Kagabi, habang nasa grocery ang mama mo at nasa bahay ka ng kaklase mo ay pumasok ako sa loob ng bahay ninyo. Nakita ko siyang umiinom habang nanonood ng mga x-rated videos. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at saka ko siya pinagtataga ng butcher’s knife na hawak ko. Dapat lang naman sa kanya iyon, hindi ba? Tingnan mo na lang iyong picture na isinama ko sa sulat ko na ito para makita mo kung ano ang hitsura niya matapos ko siyang pagtatagain at putulan ng ari niya. Nakakatawa, hindi ba? Nakikita mo ba iyong blue ribbon sa leeg niya? Ako ang naglagay niyan! Maganda ba? Sana nagustuhan mo.

Marahil ngayon ay iniimbestigahan na ang nangyari sa kanya. Shh! `Wag mo kong isusumbong. Ginawa ko lang naman iyon para sa `yo. Magkakampi tayo kaya sana ay huwag kang magsasalita.

 

Love,
Sarah

Librong Itim Volume 4 Relayout 2018 FINAL_Page_025

Librong Itim Volume 4 is now available at Precious Pages Bookstores or you can order it at www.preciousshop.com.ph

2 thoughts on “Dear Felicity by Maureen Nica B. Lacuata

Leave a comment