Excerpt: Nanginginig pa rin ang aking katawan. Hindi masukat ang kabang nararamdaman. Hindi makapaniwala sa lagim na nararanasan. Hindi ko lubos-maisip kung bakit nagkaganito ang aking buhay. Bakit ko napasok ang ganitong gulo? Bakit ko nga ba pinagdaraanan ang matinding takot na ito? Nagsimula ang lahat noong ako ay nasa unang taon sa kolehiyo. Palibhasa…Read more Ukit by Josephine G. De Dios
Volume 4
The Perfect Witness by Josephine G. De Dios
Excerpt: Maaga pa lang, nakaayos na si Annie. Kompleto ang kanyang kasuotan sa pagpapanggap bilang tagawalis ng kalsada. Balak kasi niyang puntahan ang lugar na binanggit ng isang misteryosong texter. Ang sabi nito, “Para mahanap ang nawawala, magpunta ka sa Santa Maria. Doon sa plaza, sa palaruan ng mga bata, sa lagayan ng mga basura,…Read more The Perfect Witness by Josephine G. De Dios
Tagged by Ericzon Santos
Excerpt: It took years bago ako maka-move on from Jean’s death. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko for five years. Umiyak ako all throughout the pasiyam, the forty days and the babang-luksa. But now I’m okay. And there’s this interesting girl—well, no, hindi siya babae, he’s gay—from work na nakakuha ng atensiyon ko. Madalas…Read more Tagged by Ericzon Santos
Sticky Notes by Pharen Ocampo
Excerpt: Unang araw ni Selene sa kompanyang tumanggap sa kanya bilang accounting staff. Sa manipis lamang na make-up sa kanyang mukhang binagayan ng suot niyang puting blouse at itim na palda na bahagyang nakalabas ang tuhod ay nangibabaw ang kanyang simpleng ganda. Masasabing mukha siyang matalinong babae. Ipinakilala siya ng isang babae sa mga tao…Read more Sticky Notes by Pharen Ocampo
Sadistic Boyfriends by Ericzon Santos
Excerpt: Gusto ko na talagang mag-leave sa group chat sa Facebook na may pangalang “Sadistic Boyfriends.” Pero natatakot ako sa puwede nilang gawin sa akin. Kaya heto, dahil sa kanila kaya hindi ako halos mapakali. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. At hindi ko na rin ma-chat ang girlfriend ko na panay ang contact sa…Read more Sadistic Boyfriends by Ericzon Santos
Maling Advertisement by Faye Reyes
Excerpt: Ang daming iba't ibang advertisements sa Internet, `no? Pagbukas mo ng isang Website, minsan ang daming bigla na lang magpapakita na mga advertisements. Kadalasan, wala namang kuwenta iyong iba. Nakakainis lang, kasi imbes na mapunta ka agad sa Web page na gusto mong puntahan, dadalhin ka pa sa isang web page. Pero hindi ko…Read more Maling Advertisement by Faye Reyes
Keep Silent by Charwin Alferez
Excerpt: Nakatayo si Gwen sa harap ng makalumang mansiyon habang namamangha sa pinagmamasdan. Malaki at kaakit-akit din ang kakaibang disenyo na matatanaw mula roon. Sa buong buhay niya, ito ang unang pagkakataon na makakapasok siya sa isang mala-palasyong bahay. Kaya naman, ang pagiging ignorante ang nag-uudyok sa kanya na tanggapin ang trabahong inalok ng kakilala…Read more Keep Silent by Charwin Alferez
Kael by RM Narud
Excerpt: “Sorry, dre, `di talaga tumatanggap ang landlady namin ng ka-flatmate, eh, pasensiya na talaga,” paghingi ni Jetro, kaibigan ni Dennis, ng paumanhin. “Ahh, gano’n ba? Okay lang, gagawan ko na lang `to ng paraan. Salamat,” dismayadong tugon ni Dennis. Mag-iisang buwan na siyang nakikitira sa tiyuhin niya simula noong na-acquire ng bangko ang kaisa-isang…Read more Kael by RM Narud
Dear Felicity by Maureen Nica B. Lacuata
Excerpt: June 7, 2017 Dear Felicity, Hi, Feli! Ako nga pala si Sarah. Malamang hindi ako pamilyar sa `yo dahil hindi mo pa ako nami-meet nang personal. Pero ako, matagal na kitang nakikita at sinusubaybayan. Bata ka pa noong una kitang nakita. Umiiyak ka dahil sinaktan ka ng stepfather mo. Wala akong magawa para sa…Read more Dear Felicity by Maureen Nica B. Lacuata
Cursed Class by Cyan Exorde
Excerpt: Tahimik akong nakatanaw sa labas ng bintana habang karamihan sa mga kaklase ko ay nagkukuwentuhan. May ilan pa ngang nagbabatuhan ng papel na akala mo mga elementary students kahit pa nasa high school na kami. Sabay-sabay kaming nagsipag-ayos nang upo nang biglang pumasok si Ms. Zaragosa na advisory teacher ng klase namin. Saglit niyang…Read more Cursed Class by Cyan Exorde