Sadistic Boyfriends by Ericzon Santos

Excerpt:

Gusto ko na talagang mag-leave sa group chat sa Facebook na may pangalang “Sadistic Boyfriends.” Pero natatakot ako sa puwede nilang gawin sa akin.

Kaya heto, dahil sa kanila kaya hindi ako halos mapakali. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. At hindi ko na rin ma-chat ang girlfriend ko na panay ang contact sa akin sa Facebook Messenger.

Beb, labas naman tau sa Saturday.

Beb, cge na, o. We can make love if u want.

U can tie me up on the bed. 🙂

Beb?

Alam ng girlfriend kong si Maureen na may fetish ako for BDSM. I am what people call a sadist. Parang si Christian Grey, only not rich and not as attractive as him. Noong una ay hindi ako naiintindihan ni Maureen. Para ngang pinandirihan pa niya ako. Pero unti-unti din niyang nasakyan ang trip ko. Nagpapatali na siya sa kama, nagpapasampal, nagpapadura.

Maureen was my soul mate.

Tumunog na naman ang cell phone ko. Nag-message ulit si Maureen sa akin sa Messenger.

It was a picture. Kamay ni Maureen. Nakaposas sa railing ng kama.

Instant hard-on.

Beb, I like that. 🙂 🙂 reply ko sa kanya. Kahit paano ay nawala na sa isip ko ang group chat.

May sinend na namang isa pang picture si Maureen bilang sagot.

Mga paa niya, nakatali sa kama.

U really want me to be horny, huh? 😉 😉

Haha, that was her reply.

Maureen sent another picture.

Katawan lang ang kita at kalahati ng ibabang bahagi ng mukha. Kitang-kita pa rin ang nakataling mga paa. Ang isang kamay na nakaposas at ang isa pang kamay na… nakaposas din.

Natigilan ako. Nawala ang ngiti. Bigla na akong kinabahan.

Paano mo naman naposas ang dalawang kamay mo, beb? Tapos naitali mo pa mga paa mo.

Ilang minutong hindi nag-reply si Maureen. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali sa apartment ko. Tumayo ako at nagpalakad-lakad ako doon. Nang tumunog ang cell phone ko, muntik na akong mapasigaw sa gulat.

Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang mensahe.

And I froze…

Librong Itim Volume 4 Relayout 2018 FINAL_Page_085

Librong Itim Volume 4 is now available at Precious Pages Bookstores or you can order it at www.preciousshop.com.ph

One thought on “Sadistic Boyfriends by Ericzon Santos

Leave a comment